Teachers Camp in Baguio City (Ghost is Real)


  • Tuesday, April 18, 2017




     Gusto ko lang ishare yung naging experience naming magpapamilya sa Teachers Camp in Baguio City. Ako si Patricia Yvonne Pascual mas kilala bilang Chuchay. Nakatira ako sa Labo, Camarines Norte. Bago kami pumunta sa Baguio, naisipan ng buong pamilya ko na magbakasyon sa La Union para makasama namin ang tito kong paring pulis. Nang makarating kami sa La Union, naisipan ng tito ko na itour kaming pamilya kung saan saan. 14 miyembro kami ng pamilya na nagbakasyon.

 By the way, hindi ko na papahabain to. Ikwekwento ko na kung anong nangyari sa Teachers Camp.

   Nagbyabyahe palang kami, takot na takot na ang karamihan sa amin. Nakarating na kami sa Teachers Camp, unang tingin ko, okay naman. Parang hindi naman totoo yung sinasabi nilang may ghost. Ang ganda naman ng dorm nila. Tatlong kwarto sa isa bahay. Pagkadating na pagkadating namin, sinilip ng mga pinsan ko ang bahay na tutuluyan namin. Sa isang kwarto, dun na kami unang napunta. Binuksan nila yung isang kwarto, Dorm 1, bandang kaliwa, pumasok ang tita at mommy ko, bigla silang lumabas dahil iba raw ang pakiramdam nila sa kwarto yun. Lumabas na ang lahat, bumalik ang pinsan ko, si Kuya Neuco, sinilip nya yung loob ng Dorm 1, nakita ng kapatid ko yung pinsan ko, at balak nyang gulatin si Kuya Neuco, pero nakita ng kapatid ko na biglang gumalaw ang ulo ni Kuya Neuco na tila ba may nakita. Biglang ginulat ng kapatid ko. Lumabas sila sa kwarto. Namumutla si Kuya Neuco, sinabi nya sa amin na talagang may nakita sya. Nakaputi, papunta sa CR. Nangako pa sya. Kitang kita mismo sa mga mata nya na talagang nagsasabi sya ng totoo. Yun pala yung sinasabi nilang PASSING-BY. After nun, nagnight market kami. 1am na kami nakauwi. Natulog na rin kami.


   Kinaumagahan, nagising na ang lahat. Tinatawag ng kalikasan ang kapatid ko. Pumasok kami sa CR ng kwarto namin, habang nilalabas nya ang kalooban nya, takot na takot na kaming dalawa. Pinapaabot nya sa akin yung timba, ayoko iabot kasi natatakot na rin ako. Malapit na sya matapos nang biglang bumakas ang gripo na wala namang nagbubukas. Nagkatinginan kami ng kapatid ko, sa sobrang takot nya pinabukas nya na ang pinto, pumasok ang tita ko para patayin ang gripo, takot na takot na ang kapatid ko. Hindi namin malaman kung anong dahilan kung bakit bumukas ang gripo.


   After ng lahat, nagkwento ang iba sa nangyari. Si Ate Pau, ang kasa kasama ng pinsan kong panganay, bandang 3am, gising pa sila, iyak ng iyak si Alexus, ang baby na kasama namin. Nagtututuro sya sa may TV. Hindi maintindihan ni Ate Pau kung anong nangyayari. Pati si Ate Pau, may nararamdaman na rin. Ang isa ko pang pinsan, may naramdaman din kagabi. Sa sofa, kung ano ano na pinagsasasabi nya hindi maintindihan ni Ate Pau. Nagcover ng kumot si Ate Pau at si Alexus hanggang sa makatulog na sila.


  Nagkwento rin si Mervin sa mga naranasan nya. Dito tumaas balahibo ko. Sa tent sya natulog kung saan, sya lang mag isa, paggising nya, lumabas sya sa tent, nakita nyang umiiyak si Alexus at paggising nya, nakavideo na ang phone nya, alam na alam nya na yung phone nya nasa bulsa nya, nakavideo yung phone nya sa harap ng mukha nya. Nagulat sya sa nangyari. Lumabas sya ng bahay, pagbalik nya, matutulog na sya nang bigla may narinig syang sumipol. Babaeng babae ang sumipol na parang pangpatay ang tunog.


   Nagkwento rin ang mommy ko nung pagbalik namin sa La Union, sabi nya, paalis na raw kami, sinabi ng lola ko na bukas yung shower sa kabilang CR, kahit wala namang nagbubukas.


  Marami kaming naexperience sa Teachers Camp. Maraming nagsasabi na kwento lang, pero hinding hindi mapapalitan yung naging experience namin.


Thank you for reading..

- Patricia Yvonne Pascual

Mga Komento