Teachers Camp in Baguio City (Ghost is Real)
Tuesday, April 18, 2017 Gusto ko lang ishare yung naging experience naming magpapamilya sa Teachers Camp in Baguio City. Ako si Patricia Yvonne Pascual mas kilala bilang Chuchay. Nakatira ako sa Labo, Camarines Norte. Bago kami pumunta sa Baguio, naisipan ng buong pamilya ko na magbakasyon sa La Union para makasama namin ang tito kong paring pulis. Nang makarating kami sa La Union, naisipan ng tito ko na itour kaming pamilya kung saan saan. 14 miyembro kami ng pamilya na nagbakasyon. By the way, hindi ko na papahabain to. Ikwekwento ko na kung anong nangyari sa Teachers Camp. Nagbyabyahe palang kami, takot na takot na ang karamihan sa amin. Nakarating na kami sa Teachers Camp, unang tingin ko, okay naman. Parang hindi naman totoo yung sinasabi nilang may ghost. Ang ganda naman ng dorm nila. Tatlong kwarto sa isa bahay. Pagkadating na pagkadating namin, sinilip ng mga pinsan ko ang bahay na tutuluyan namin. Sa isang kwarto, dun na kami u...